NAGING EMOSYONAL si Board Member Atty. Harry Sucgang sa diskusyon sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng kontrobersiya sa Php1 billion loan facility ng Aklan sa bangko.
Matatandaan na naghain ng motion for reconsideration ang opisyal kasama si Board Member Atty. Noly Sodusta kung saan pinapabawi nila ang boto ng mayorya sa utangin.
Paliwanag ni Sucgang, hindi dumaan sa tamang proseso ang pag-apruba ng ordinansa kaugnay rito. May mga paglabag aniya ito sa mga internal rules ng Sanggunian at maging sa konstitusyon.
Nakasagutan niya si Board Member Jay Tejada sa isyu na ang inaprubahang ordenansa ay walang numero. Ayon kay Tejada kapag ang isang ordinansa ay inaprubahan ng mayorya lahat ng mga pagkakamali ay maaayos.
Nais pa sanang balikan ng Board Member ang loan terms and condition pero pinigil siya ng regular presiding officer Vice Governor Reynaldo Quimpo na aminadong nagtaas ng boses nagsasabing "out of order" si Sucgang.
Sa kanilang sagutan ay naging emosyonal ang Board Member. "Ginahinyo ko malang ro akon nga mga miyembro it Sangguniang Panlalawigan basi kon bayluhan nanda ro andang pinuino hay may akon man nga mga grounds kara nga sa akon nga pagpati hay balido man," maluha-luha niyang pagkasabi.
Sa botohan, siyam ang hindi pabor sa motion for reconsideration nina Sucgang at Sodusta. Samantala, sa kanyang privilege speech nanindigan si Sodusta na hindi na kailangang umutang ng gobyerno probinsyal.
Ang uutanging Php1 billion mula sa Development Bank of the Philippines base sa kahilingan ng gobernador ay gagamitin umano sa pagpopondo sa iba-ibang proyekto ng gobyerno probinsiyal.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo
No comments:
Post a Comment