ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Nais ipabusisi ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang
frontline services at process flow of procedure sa mga ospital na pagmamay-ari
ng pamahalaang lokal ng Aklan.
Maliban rito, nakasaad rin sa parehong resolusyon na inihain
nina SP member Nelson Santamaria, Lilian Tirol at Jay Tejada, na kasama rito
ang iba pang tanggapan ng gobyerno lokal.
Ayon sa mga lokal na mambabatas, ito ay para sa updating
purposes. Nais rin nilang siguraduhing ipinapatupad ang citizen’s charter ng
Civil Service Commission sa lahat ng tanggapan
ng gobyerno.
Layunin ng citizen’s charter ang mabawasan ang mga
transaction time at mga requirement sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ang resolusyong ito ay inihain kasunod ng isyu sa isang magpapatuling
foreigner na pinagpasa-pasahan umano sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial
Hospital bagay na pinabulaan naman ng pamunuan ng ospital.
Nanawagan ang mga miyembro ng Sanggunian na maging competent
ang mga frontline personnel ng hospital na agad na makakatugon sa mga
katangungan at pangangailangan ng mga kliyente o pasyente.
No comments:
Post a Comment