Wednesday, May 31, 2017

DALAWANG LALAKI NAHULI SA PAGNANAKAW SA PROVINCAL HOSPITAL

ulat ni Archie Hilario / Joefel Magpusao, Enegy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng gasolina sa mga nakaparking na motorsiklo sa compound ng provincial hospital madaling araw kanina.

Nahuli ng mga gwardiya ang isang 14 anyos samantalang naaresto rin ng rumurundang pulis ang kanyang kasama.

Sa report ng Kalibo police station, kinilala ang suspek sa pangalang Benjie Bajado, 19 anyos, residente ng Sto. NiƱo Village, Poblacion, Kalibo.

Narekober sa dalawa ang isang plastic bottle na may lamang gasolina at isang 14 pulgadang kutsilyo.

Nakakulong na ang 19 anyos na suspek sa Kalibo PNP, samantalang nasa pangangalaga naman ng municipal social welfare and development office ang isa na tinuturing na Children in Conflict with the Law.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang nakatakas nilang kasama.

No comments:

Post a Comment