Tuesday, August 28, 2018

MGA LOKAL NA BAYANI NG AKLAN BIBIGYANG PUGAY SA ISANG NATATANGING PELIKULA

ISANG NATATANGING pelikula ang binubuo ngayon para bigyang pugay ang 19 Martyrs of Aklan.

Ang documentary film na ito ay pinamagatang "Daan Patungong Tawaya" na nagtatampok ng buhay at kagitingan ng mga lokal na bayani.

Pinangungunahan nina direk Kevin Piamonte at direk JR Macahilas at executive producer Bobby Rodriguez ang produksyon ng pelikula.

Ilang krusiyal na bahagi ng pelikula ay kasalukuyang kinukuhanan sa Kalibo.

Kalahok ang binubuong pelikula sa SineSaysay, isang film competition na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines at ng National Historical Commission of the Philippines.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa Agosto 2019 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang 19 Martyrs ay mga lokal na bayani na nakidigma laban sa pananakop ng mga Español noong unang panahon.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment