Saturday, June 09, 2018

GABI-GABING "WANG-WANG" SA KALIBO IPINALIWANAG NI PSUPT MEPANIA

Gabi-gabi niyo nang maririnig ang "wang-wang" na ito ng mga patrol car ng Kalibo PNP sa mga kalsada sa kabiserang bayang ito.

Ito ang sinabi ng hepe ng Kalibo police station na si PSupt Richard Mepania sa Energy FM Kalibo gabi ng Sabado.

Tinawag niya itong Oplan Bulabog. Paraan umano ito para mabulabog at matakot ang mga gustong gumuwa ng krimen.

Ayon pa sa hepe, ito ay bahagi ng Oplan Patrol Serenata ng Kalibo PNP. Isa anya itong proactive stance ng kapulisan laban sa mga kriminalidad.

Kabilang din sa konsepto ng Patrol Serenata ang Connected o Romantic Patrolling kung saan kasama nila ang mga tanod ng barangay sa pagroronda.

Ang isa pa sa tri-concept ng Serenata ay ang "Night Owl" kung saan nagseserena at bumaba sa mga palenke at mga bukas na establisyemento ang mga kapulisan.

Nilinaw ni Mepania na ang Patrol Serenata anya ay alas-8:00 hanggang alas-10:00 lamang ng gabi. Pero pagkatapos nito ay tuloy parin anya ang regular nilang pagpapatrolya.

Umapela siya sa taumbayan ng pag-unawa at kooperasyon sa kanilang trabaho. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment