Showing posts with label president Rodrigo Duterte. Show all posts
Showing posts with label president Rodrigo Duterte. Show all posts

Friday, November 09, 2018

Kapayapaan panawagan ng mga Ati sa Boracay kasunod ng pagtanggap ng mga lupa

KASUNOD NG pagtanggap ng mga lupa sa Isla ng Boracay nanawagan ngayon ng kapayaan ang mga katutubong Ati sa pangambang magdulot ito ng problema sa kanila.


Gabi ng Huwebes ay pormal na tinanggap ng mga kinatawan ng Boracay Ati Tribal Organization ang anim na Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kabuuang 3.2 hektarya ng lupa.

"Nawa itong pamamahagi ng lupa ay walang maidulot na problema sa amin sapagkat ang tangi po naming hinihiling ay kapayapaan, pagkakaisa at pagmamahal," ayon kay Delsa Justo, lider ng mga Ati, bahagi ng kanyang response.

Sa isang press conference, sinabi ni Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones na nagkaroon muna ng tensiyon sa ilang lupang ipinamahagi sa mga Ati at may mga nagpapakilalang nagmamay-ari ng mga ito.

Nilinaw naman ng Kalihim na bagaman ang ilan ay may tax declaration ng lupa, hindi umano ito patunay na sila ang may-ari nito. Nanindigan siya na alinsunod sa batas ang buong Isla ng Boracay ay pagmamay-ari ng gobyerno.

Sinabi pa ng DAR Secretary na handa silang sagutin ang mga legal action laban sa kanila.

Samantala, mamahagi rin ng mga binhi at mga tools ang gobyerno sa mga benepisaryo para sa pagpapayabong at paggamit ng lupa para sakahan. May mga training din na ilalaan para sa 44 pamilya na makikinabang sa mga naipamahaging lupa.

"Lubos po ang aming kasiyahan dahil dininig ng Diyos ang aming panalangin na maibalik at maisaayos ang Islang aming pinakamamahal," sabi ni Justo, sa pagpapasalamat sa administrasyong Duterte sa pag-rehabilitate sa Boracay.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo

Friday, August 24, 2018

DRY RUN BAGO ANG BORACAY REOPENING, ISASAGAWA AYON KAY SEC. CIMATU

PLANO NG Boracay Inter-Agency Task Force na magsagawa ng “dry run” para sa nakatakdang pagbubukas muli ng isla sa Oktubre.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na posibleng gawin ang dry run sa October 15 hanggang 25, 2018.

Ayon kay Cimatu, ang dry run ay bukas muna sa mga lokal na turista at prayoridad ang mga Aklanon.

Layon aniya ng dry run na i-assess kung ano pa ang mga kailangan ng Boracay bago ito tuluyang buksang muli para sa domestic and foreign tourists sa October 26, 2018.

Sa unang araw ng dry run, isang libong hotel rooms lang ang bubuksan, ayon kay Cimatu.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang isara ang Boracay upang maisailalim sa rehabilitasyon.

Samantala, kinumpirma ni Cimatu na pinalawig ang one-stop shop operation sa isla mula August 25 hanggang September 7, 2018.

Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga establisimyento na makasunod sa mga requirement.

Payo naman ni Cimatu sa publiko na bago magpa-book ng hotel sa Boracay,
hintayin muna ang anunsyo ng Department of Tourism (DOT) ukol sa “compliant and accredited establishments” na magbubukas sa October 26.##

- Radyo INQUIRER

Thursday, August 09, 2018

AKLANON POLICE WOMAN PINARANGALAN NI PRES. DUTERTE AT NI PNP CHIEF ALBAYALDE

Ginawaran ng parangal ang Aklanon policewoman na si SPO1 Nida Gregas bilang Best Senior PNCO for Administration 2017 kasabay ng 117th Police Service Anniversary.

Isa si Gregas sa sampung pulis sa buong bansa na kinilala bilang outstanding police. Ang mga parangal ay iginawad nina President Rodrigo Duterte at PNP Chief Oscar Albayalde araw ng Miyerkules sa Campo Crame.

Kasalukuyan siyang naglilingkod bilang hepe ng Public Information Office ng Aklan Police Provincial Office.
"Hindi ko na po iisa-isahin ang nagbigay suporta sa lahat po ng bagay kaya ko po natatamo ang walang tigil na tagumpay... maraming salamat po sa inyong lahat," mensahe ng pasasalamat ni Gregas sa mga sumuporta sa kanya.

Sa rehiyon ng Western Visayas, ginawaran din sina PSSupt. Marlon Tayaba, Provincial Director ng Iloilo PPO, Best Senior PCO for Operation; at PSSupt. Samuel Nacion, PD Capiz PPO, Best Police Provincial Office.

Narito ang 10 outstanding police men and women, uniformed and non-uniformed personnel:

* PSSupt. Leony Roy G. Ga it PRO 10, Best Senior PCO for Administration;
* PCInspector Roland M. Kingat, SAF, Best Junior PCO for Administration;
* PSupt. Jack Angog, SAF, Best Junior PCO for Operations;
* PSSupt. Marlon A. Tayaba, Best Senior PCO for Operations;
* SPO1 Ray Angelo Segualan, SAF, Best Senior PNCO for Operations;
* SPO1 Nida L. Gregas, PRO 6, Best Senior PNCO for Administration;
* PO3 Jean P. Pacia, PRO COR, Best Junior PNCO for Administration;
* PO3 Joker A. Albao, PRO 5, Best Junior PNCO for Operations;
* NUP Veneracion A. Llorin, Best NUP, Supervisory Level; at
*NUP Jose Rexil C. Manabit, PRO 9, Best NUP Non-Supervisory Level.##

- Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, July 23, 2018

PRESIDENT DUTERTE ON BORACAY ISSUE IN HIS 2018 SONA

photo from Youtube
"Boracay Island, widely regarded as one of our country’s treasures and admired worldwide for its natural beauty, has sadly become the representation of the government’s negligence, including mine.

I could not allow this decay to continue; decisive action has long been overdue. Recognizing that we are mere stewards of our natural resources, and I said enough is enough.

We intend to restore its environmental integrity, alongside measures to alleviate those whose livelihood were momentarily affected. Environmental protection and ensuring the health of our people cannot be overemphasized; thus, our actions in Boracay mark the beginning of a new national effort.

This is just [the beginning]. For the other tourist destinations needing urgent rehabilitation and enforcement of environmental and other laws shall soon follow. I urge our local government units to proactively enforce our laws and not wait for us to swoop down on your areas just to do your duty and work. [applause] At some other time, I would have to discuss sa local government units.

What has happened to Boracay is just an indication of the long-overdue need to rationalize, in a holistic and sustainable manner, the utilization, management, and development of our lands. I therefore urge the Senate to urgently pass the National Land Use Act [applause] to put in place a national land use policy that will address our competing land requirements for food, housing, businesses, and environmental conservation. We need to do this now."

- President Rodrigo Roa Duterte
2018 State of the Nation Address

Thursday, March 08, 2018

DUTERTE: MGA HAHARANG SA REHABILITASYON NG BORACAY AARESTUHIN

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente at business owners sa Boracay kaugnay sa binabalak nilang kilos-protesta para harangin ang pansamantalang pagsasara at rehabilitasyon ng nasabing isla.

Sa kanyang talumpati sa 145th founding anniversary ng lalawigan ng Tarlac, sinabi ng pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na ipaaresto ang mga haharang sa rehabilitasyon ng Boracay.

Kinakailangan na umanong manghimasok ng national government dahil sa malalang problema sa pagkasira ng kapaligiran ng nasabing tourists’ destination.

Alam umano ni Duterte na maraming negosyo at hanap-buhay ang maaapektuhan pero kinakailangang gawin ang paglilinis sa isla.

Kailangan na umano ang intervention ng national government sa ngalan ng public interest, public health at peace and order.

Isa sa mga sinabing opsyon ng pangulo ay ang pagdedeklara ng state of calamity sa isla para magamit ang calamity fund na pang-ayuda sa mga maapektuhan sakaling matulong ang temporary closure nito.

Nauna nang sinabi ng pangulo na isang “cesspool” ang Boracay island dahil na rin sa kapabayaan ng mga local officials doon. - Radyo INQUIRER

Monday, March 05, 2018

BORACAY PANGALAWA SA BEST BEACH SA ASIA SA KABILA NG KINAKAHARAP NA MGA ENVIRONMENTAL DISASTER

Nanatili ang Isla ng Boracay bilang isa sa mga top beaches sa Asya sa kabila ng krisis na kinakaharap nito sa kalikasan.

Kasunod ito ng inalabas na listahan ng 25 best beaches in Asia ng TripAdvisor, isang popular travel forum website kung saan pangalawa ang Boracay.

“Boracay is the Perfect white sand beach our family has ever visited,” sabi ng isang turista sa site na ito.

Pasok din ang Yapak o Puka Shell Beach na makikita rin sa Boracay na nasa ika-16 na puwesto.
Nangunguna sa listahang ito ang Agonda Beach ng India.

Sa buong mundo, ika-24 ang Boracay sa best beach ng parehong site.

Una ng nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang Boracay kapag hindi ito nalinis sa loob ng anim na buwan.

Sa pagdinig ng senado hinggil sa naturang usapin, nabatid na siyam sa wetland ng Boracay ay apat na lang ang natira.

Ito ay kusunod ng overdevelopment, kurapsyon at kakulangan sa pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan ng mga lokal na opisyal.

Kaugnay rito, isinusulong ng dalawang aide ng pangulo ang 60-day total closure ng mga business establishments sa Boracay para sa rehabilitasyon.

Tutol naman dito ang ilang labor at business group. - Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Thursday, February 15, 2018

PANGULONG DUTERTE MISINFORMED UMANO TUNGKOL SA BORACAY AYON KAY GOV. MIRAFLORES

Naniniwala si Aklan Governor Florencio Miraflores na maling impormasyon ang nakarating sa pangulo ng bansa hinggil sa kalagayan ng baybayin sa Isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ng gobernador sa naganap na pagpupulong ng mga stakeholder araw ng Miyerkules hinggil sa pahayag at hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na tinawag ni Duterte na 'tapunan' ng basura ang Boracay at nagbanta na kapag hindi naayos ang suliranin sa dumi at basura sa loob ng anim na buwan ay ipasasara niya ito.

Nilinaw naman ng gobernador na maaaring pamamaraan lamang ito ng pananalita ng pangulo na kailangan na ang agarang pagkilos para malutas ang mga problema sa isla.

Aminado naman ang gobernador na may kakulangan rin ang pamahalaang lokal ng Malay at probinsiya at maging ang pamhalaang nasyonal sa umano'y kakulangan ng suporta.

Sa kabila nito sinabi niya na hindi ito ang panahon para magsisisihan kundi dapat ay magtulungan ang lahat.
Kaugnay rito, nangako si Miraflores ng limang milyong piso para pondohan ang agarang pagsasaayos ng drainage at sewerage system ng Boracay. Nangako rin ng dagdag na limang milyon ang DENR-6 para sa parehong layunin.

Samantala, sa report ng DENR-EMB, bagaman mataas ang coliform contamination sa Bolabog Beach sa isla, hindi pa umano ito umabot sa lebel na hindi na ligtas sa tao. Ipinakita rin na ang iba pang bahagi ng baybayin ay malinis para paliguan.

Friday, November 10, 2017

FREE TUITION LAW APRUBADO NA NI PANGULONG DUTERTE; 11 STATE COLLEGES AT UNIVERSITIES SA WESTERN VISAYAS PASOK

Narito ang listahan ng mga State Colleges and Universities (SUCs) sa Western Visayas na kabilang sa free tuition law na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maaari ng e avail ang free tuition ngayong semester.

●Aklan State University
●Capiz State University
●Carlos C. Hilado Memorial State College
●Guimaras State College
●Iloilo State College of Fisheries
●Central Philippines State University
●Northern Iloilo Polytechnic State College
●Northern Negros State College of Science and Technology
●University of Antique
●Iloilo Science and Technology University
●West Visayas State University

Wednesday, October 04, 2017

BARANGAY AND SK POLLS NGAYONG OKTOBRE IPINAGPALIBAN NI PAGULONG DUTERTE SA MAYO 2018

Ulat ni Kasimanwang Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Ipinagpaliban ng Malakanyang ang Barangay at SK eleksyon at gaganapin ito sa ikalawang Lunes sa buwan ng Mayo 2018 sa halip na Oktubre 23 ngayong taon. 

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10952 noon pang Lunes October 2, 2017 at ngayong araw inilabas sa media.

Sinasaad ng bill na "until their successors shall have been duly elected and qualified, all incumbent barangay officials shall remain in office, unless sooner removed or suspended for cause."

Ito ang pangalawang beses na napostpone ang barangay eleksyon sa ilalim ng Duterte Administration. 

Ayon sa Pangulo, 40 percent ng mga barangay captains nationwide ang involve sa illegal drugs at ginagamit ang kanilang impluwensya upang manatili sa puwesto.

Monday, March 27, 2017

NAG-IISANG AKLANON NAGRADUATE SA PNPA MASIDLAK CLASS OF 2017

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Kasama ang nag-iisang 22-anyos na Aklanon sa 144 cadets na naggraduate ngayong taon sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidlak” Class.

Pagsisikap at determinasyon ang naging daan para mapabilang sa PNPA alumni si PInsp. Ryan de Mateo Valenzuela.

Si Valenzuela ay tubong brgy. Old Buswang, Kalibo. Nagtapos siya ng kanyang elementarya sa Bakhao Sur Elementary School saka nagtapos ng sekondarya sa Aklan National High School for Arts and Trade.

Nagsimula siyang mag-aral sa kolehiyo sa Northwestern Visayan Colleges sa kursong education.
Isinagawa ang graduation noong Byernes sa Camp Castañeda, Silang, Cavite kung saan naging bisita rito si Pangulong Rodrigo Duterte.

MGA BIKTIMA NI 'YOLANDA' SA AKLAN MAKAKATANGGAP NG PRESIDENTIAL ASSISTANCE

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Hinikayat ng Rise Up Aklan ang mga biktima ng Bagyong Yolanda na hindi na nakatanggap ng kontrobersiyal na emergency shelter assistance (ESA) na kumuha ng Php5,000 presidential assistance fund.

Sinabi ni Kim-Sin Tugna, Rise Up Aklan coordinator, na ang presidential assistance ay pwede nang matanggap sa susunod na anim na buwan simula Abril sa pamamagitan ng cash card na ibibigay ng government bank.

Napag-alaman na sa lalawigan ng Aklan, mahigit 20,000 household ang hindi nabigyan ng ESA mula sa pamahalaan.

Una nang nangako si pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng tig-Php5,000 tulong sa ang mga biktima ng bagyo.


Hinikayat naman ni Tugna ang mga Yolanda survivors na humingi ng tulong sa mga Rise UP coordinators at field validators sa kanilang mga barangay.