Showing posts with label Kalibo Tourism. Show all posts
Showing posts with label Kalibo Tourism. Show all posts

Monday, July 16, 2018

PRIBADONG FARM SA KALIBO BUBUKSAN SA PUBLIKO BILANG ISANG TOURISM SITE

photos © Rhea Rose Meren,
Kalibo Tourism Office
Isang pribadong farm sa bayan ng Kalibo ang planong buksan sa publiko bilang opisyal na tourism site. Ito 14 hektarya na JRP farm sa Isla Pigados, Bakhaw Sur na pumasa sa ebalwasyon ng Department of Tourism region 6.

Kaugnay rito isang resolusyon ang ipinasa ng Sanggunian Bayan upang ideklara na official tourism site ang pribadong farm na ito.

Ayon kay SB member Philip Kimpo, committeee chair on tourism, ito umano ang kauna-unahan sa Kalibo. Pagmamay-ari ito ng pamilya Policarpio.

Pero ayon kay Kimpo posibleng sa mga susunod ay may mga farm tourism site pa na isasama sa listahan ng mga official farm tourism site ng Kalibo.

Ayon sa tourism office ng munisipyo, ang farm ay may mga iba-ibang prutas, gulay, palaisdaan. May beach, swimming pool, mga cottages at pwede rin magboating.

Nakatakdang magbigay ng mga life jacket ang DOT6 para gamitin ng mga bisita at mga turista.

Umaasa ang pamahalaang lokal ng Kalibo na ang panibagong tourist site na ito ay magdadala ng investment at trabaho sa mga tagarito at revenue sa munisipyo. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Saturday, October 28, 2017

FOOD TOURISM SITE PLANONG ITAYO SA BAYAN NG KALIBO

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107 .7 Kalibo

Plano ngayon ng pamahalaang lokal ng Kalibo ang pagtatayo ng food tourism site sa kabiserang bayang ito.

Sinabi ni Rhea Meren, tourism officer ng Kalibo, sa pagharap sa regular session ng Sanggunian, itatayo ito sa kahabaan ng Veterans Avenue at tatawaging “Kalye Kulinarya sa Kalibo” (KKK).

Paliwanag ni Meren, ito ay resulta ng kahilingan ng iba-ibang tourism establishment para magbigay-sigla sa bayan ng Kalibo lalu na paggabi.

Nagsagawa narin umano ng ilang konsultasyon at pagpupulong ang pamahalaang lokal sa ilang mga negosyante at mga residente. Positibo umano ang kanilang mga reaksiyon rito.

Kaugnay rito, isinusulong ngayon ni committee chairman on tourism Sangguniang Bayan member Philip Kimpo Jr. ang pagsasabatas ng KKK.

Nakatakda itong sumailalim sa pagdinig sa Oktubre 30 para pag-usapan ang mga hinaing ng mga apektado kabilang na ang kalinisan, kaayusan ng lugar, at iba pa.

Sa Nobyembre 3, magkakaroon ng soft opening ang KKK sa kasagsagan ng founding anniversary ng Kalibo.