Showing posts with label Liga ng mga Barangay sa Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Liga ng mga Barangay sa Pilipinas. Show all posts

Monday, July 30, 2018

PUNONG BARANGAY SA BALETE NAHALAL BILANG PRESIDENTE NG LIGA NG MGA BARANGAY SA AKLAN

Nahalal na presidente ng Liga ng mga Barangay sa Aklan si Punong Barangay Ciriaco Feleciano ng Arcangel Sur, Balete.

Si Feleciano at iba pang mga opisyal ng Liga ay nahalal na walang kalaban sa katatapos lang na eleksyon ng Liga umaga ngayong Lunes.

Bilang presidente ng Liga, siya ay magiging ex-officio member sa Sangguniang Panlalawigan para kumatawan sa mga barangay sa buong probinsiya.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ng Liga president na pagtutuunan umano niya ang pansin ang pagbuo ng drug rehabilitation program sa mga barangay.

Nagpasalamat naman siya sa mga presidente ng Liga sa mga munisipyo sa pagsuporta at paghalal sa kanya sa pwesto.

Nabatid na una nang naglingkod bilang konsehal ng bayan si Feleciano sa loob ng tatlong termino. Tumakbo siya sa pagka-Punong Barangay ng walang kalaban. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, July 17, 2018

LISTAHAN NG MGA NAHALAL NA PRESIDENTE NG LIGA NG MGA BARANGAY SA 17 MUNISIPYO SA AKLAN

Narito ang mga nanalong punong barangay sa pagiging presidente ng Liga ng mga Barangay sa bawat munisipyo sa Aklan sa eleksyon araw ng Lunes:

Altavas
HERNAN CATUIRAN
(Brgy. Tibiao)

Banga
ALMA NERON
(Brgy. Sigcay)

Balete
CIRIACO FELICIANO
(Brgy. Arcangel)

Batan
Rizal Rodriguez
(Brgy. Cabugao)

Buruanga
QUEZON LABINDAO
(Brgy. Poblacion)

Ibajay
REMAR BAUTISTA
(Brgy. Poblacion)

Kalibo
RONALD MARTE
(Brgy. Pook)

Lezo
ALBANE NEPOMUCENO
(Brgy. Tayhawan)

Libacao
ROSELO ZAMBRONA
(Brgy. Pinonoy)

Madalag
CHRISTOPHER NAVARRO
(Brgy. Alas-as)

Makato
BOBBY CLYDE LEGASPI
(Brgy. Poblacion)

Malay
RANIE TOLOSA
(Brgy. Caticlan)

Malinao
NESTOR TACUD
(Brgy. Osman)

Nabas
ALONAJOVE ANN COCHING
(Brgy. Buenavista)

New Washington
CHRISTIAN PERALTA
(Brgy. Poblacion)

Numancia
ALVIN NABOR
(Brgy. Laguinbanwa West)

Tangalan
GLENN TABANG
(Brgy. Tamalagon)

Ang mga nanalo ay uupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan sa kani-kanilang mga munisipyo. Magbobotohan din sila ng Liga ng mga Barangay president sa buong Aklan.

ANTHONY NABOR UMUPO BILANG BAGONG KINATAWAN NG LIGA NG MGA BARANGAY SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Si Anthony Nabor, punong barangay ng Alaminos, Madalag ang pansamantalang umupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan para kumatawan sa Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

Sa regular session ng Sanggunian araw ng Lunes ay pormal nang naupo sa pwesto si Nabor. Nahalal siya bilang interim president ng Liga, Aklan Chapter.

Ibinoto siya ng apat  na miyembro ng board of directors na sila nalang natitira sa Liga matapos muling maihalal na mga punong barangay noong Mayo.

Si Nabor ay incumbent president ng Liga sa bayan ng Madalag simula noong 2013. Siya ay incumbent na miyembro ng board of directors ng Liga, Aklan Chapter bago siya nahalal na presidente rito.

Mababatid na nabakante ni dating ex-officio member, ABC president Rey Tolentino ang pwesto sa SP-Aklan.

Sa Hulyo 30 ay pormal na maghahalal ang mga presidente ng Liga sa 17 munisipyo ng presidente nila sa buong probinsiya. Ang mapipili ang regular na uupo bilang ex-officio member sa SP./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo