Showing posts with label BFP Boracay. Show all posts
Showing posts with label BFP Boracay. Show all posts

Wednesday, February 27, 2019

12 bahay naabo sa sunog sa Isla ng Boracay

 

NAABO SA sunog ang 12 bahay at isang bodega ng kite boarding resort sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag sa Isla ng Boracay kagabi.

Ayon kay FSInsp. Lorna Parcellano, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Malay, nagsimula ang sunog dakong 7:45 at tumagal hanggang 8:43 ng gabi.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa malakas ang hangin at yari sa mga light materials ang mga nasunog na bahay.

Tinitingnan ngayon na dahil sa upos ng sigarilyo na itinapon sa isang bahay mula sa kalapit na resort nagmula ang sunog.

Tinatayang aabot sa Php1.5 million ang pinsalang iniwan ng sunog wala namang naiulat na nasugutan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Sinabi ni Parcellano, ito na ang ikalawang sunog na naganap sa Isla sa taong ito. Ang nauna ay noong Enero 26 sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, January 27, 2019

27 kabahayan, 5 business establishment nasunog sa Boracay


 PATULOY PA ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Boracay sa nangyaring sunog tanghali ng Linggo sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc sa Isla.

Ayon kay FO3 Franklin Arubang, arson investigator, 27 residential houses ang nasunog, tatlo lamang rito ang bahagyang nasunog.

Nasunog rin ang limang business establishment. Tatlo rito ang sari-sari store, isang bakery, at isang tindahan ng mga RTW.

Ayon sa imbestigador nasa 28 pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Mabilis na nasunog ang mga bahay at mga business establishment dahil sa dikit-dikit at malakas pa ang hangin.

Nahirapan naman ang mga bombero na pasukin ang lugar dahil sa makitid na daan.

Nag-iwan ng nasa Php20 milyon pinsala ang nasabing sunog na tumagal ng isa at kalahating oras. Wala namang naiulat na malubhang nasugatan sa sunog.

Tinitiyak pa ng BFP ang sanhi o pinagmulan ng sunog.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, July 16, 2018

2 BAHAY SA BORACAY NASUNOG

Nasunog ang dalawang bahay na ito sa Sitio Bolabog, Brgy Balabag sa Isla ng Boracay umaga ngayong Lunes.

Ang mga bahay na ito base sa report ng Bureau of Fire (BFP) - Boracay ay pagmamay-ari nina Ronie Maayon at Ben Prado.

Mabilis namang naapula ng mga bombero ang apoy. Bahagyang nasunog ang mga bahay na ito.

Sinabi ni FO1 Kcylyn Macariola, imbestigador, tinatayang aabot sa Php260,000 ang pinsalang dulot ng sunog.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng BFP-Boracay ang sanhi ng ng sunog. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo