Monday, September 17, 2018

2 BABAE NADISGRASYA SA MOTOR DAHIL SA ASONG GALA!

Natumba ang sinasakyang motorsiklo ng dalawang babaeng ito dahil sa tumawid na aso sa kahabaan ng National Highway ng Brgy Pook, kagabi.

Nagtamo ng mga gasgas at sugat sa katawan ang mga biktima na kinilala sa pangalang Girlyn Buante, 32 anyos (driver) at backrider nito na si Pauline Therese Reyes, 21 anyos na taga Mabilo, New Washington, Aklan.

Papauwi na raw ang dalawa mula sa Poblacion, Kalibo, pagdating sa lugar bigla umanong tumawid ang isang aso na nagresulta sa aksidente.

Agad naisugod sa Hospital ang dalawa ng mga rumespondeng miyembro ng MDRRMO KALIBO.


- Archie Hilario, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment