Friday, August 17, 2018

KOTSE BUMALIKTAD SA BAYAN NG IBAJAY, APAT SUGATAN

BUMALIKTAD ANG kotse na ito sa kahabaan ng national highway sa Bry. Polo, Ibajay umaga ng Biyernes matapos bumangga sa railing.

Sugatan ang driver nito na si Enrique Riego, 46-anyos ng Brgy. Aslum, Ibajay. Sugatan din ang tatlo niyang mga sakay.

Kinilala ang mga ito na sina Aaron Yves, 20, ng Bugtong-Bato, Ibajay; Gj Requillo, 16, ng Libtong Estancia; at Jonathan Dela Cruz, 17, ng Poblacion, Ibajay.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, mabilis ang takbo ng kotse na patungo sanang Poblacion, Ibajay nang bumangga ito sa railing, bumaliktad at tumilapon ng 15 metro.

Agad silang isinugod sa district hospital ng Ibajay at matapos magamot ay idineklara rin lahat na outpatient.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment