Wednesday, August 15, 2018

DALAWANG GRANADA NATAGPUAN NG NAGPAPASTOL NG BAKA SA BAYAN NG IBAJAY

Dalawang aktibong granada ang natagpuan sa Brgy. San Isidro, Ibajay umaga ng Martes.

Ayon sa report ng Ibajay PNP, ang mga granada na nakasilid sa isang bag ay unang nakita ng isang nagpapastol ng baka.

Kuwento ni Tonny Batoy, maglilipat umano siya ng baka nang matagpuan niya ang nasabing sling bag.

Nang usisain ng rumespondeng mga miyembro ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) ng Philippine Army, ang mga granada ay pawang mga aktibong hand grenade.

Ang mga ito ay MK2 grenade at PRKB423 grenade.

Minabuting i-dispose ng mga otoridad ang nasabing granada doon. Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment