Monday, August 13, 2018

GUWARDIYA KULONG MATAPOS MANUNTOK NG ESTUDYANTE SA LOOB NG MALL

Arestado ang guwardiya na ito matapos ireklamo ng isang estudyante ng panununtok sa loob ng isang mall sa Kalibo.

Kinilala ang suspek na si Rey Samillano, residente ng Brgy. Andagao, Kalibo.

Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima na si Jeffrey Andrade, 23-anyos, residente ng Bakhaw Norte.

Nag-ugat umano ang insidente nang paluin ng biktima ang game machine sa isang gaming center sa loob ng mall habang naglalaro siya.

Katwiran ng estudyante naghang ang nasabing machine at nainip siya kaya niya ito pinalo.

Sinita umano siya ng guwardiya at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo at sinuntok siya ng guwardiya.

Ayon sa guwardiya napikon lamang siya. Nabatid na nasa apat na taon narin siyang nagtratrabaho rito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment