Thursday, August 16, 2018

MAGLIVE-IN NA MGA MIYEMBRO NG SALISI ARESTADO SA IBAJAY

ARESTADO ANG umano'y maglive-in sa bayan ng Ibajay hapon ng Miyerkules matapos pagnakawan ang isang sari-sari store sa Brgy. Regador.

Kinilala ng Ibajay PNP ang mga suspek na sina Ritchie Ramos, 32-anyos, at Stephanie Gabayuren, 26, pawang mga taga-Antique.

Pumasok umano ang dalawa sa sari-sari store kunwari bibili ng soft drinks pero naaktuhan ng bantay ang babae na dinudukot ang pera sa counter.

Ang tindahan ay pagmamay-ari ni Joan Cobrador. Tinatayang nasa Php5,000 ang natangay na pera.
Mabilis umanong nakatakas ang babae sakay ng motorsiklo habang ang lalaki ay agad naaresto ng mga residente sa lugar.

Kalaunan ay nahuli rin ang babae sa Brgy. Poblacion sa parehong bayan sa follow-up operation. Nasabat sa kanya ang motorsiklo, cellphone, bag at pera na mahigit Php1,000.

Sinampahan na ng kasong theft ang dalawa at nakakulong na ngayon sa Aklan Rehabilitation Center. Php3,000 ang piyansang itinakda sa bawat isa sa kanila.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment