Friday, August 17, 2018

AKTIBONG RIFLE GRENADE NATAGPUAN SA BAYAN NG MAKATO

Ayon sa report ng Makato PNP, ang rifle grenade ay natagpuan ng chief tanod na si Vergelio Santiago na siya ring nagreport sa kapulisan.

Natagpuan ito sa kaniyugan sa nasabing lugar. Nirekober ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng kapulisan ang pampasabog.

Kinakalawang na ang rifle grenade indikasyon umano na ilang linggo na itong naroroon sa kaniyugan habang palaisipan pa kung papaano ito napunta roon.

Ayon kay SPO4 Venjie Repedro ng EOD, nasa pangangalaga na nila ang naturang pampasabog at nakatakdang i-dispose.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment