Thursday, August 16, 2018

18 ANYOS NA ESTUDYANTE SA IBAJAY NAGBIGTI PATAY!

Nagbigti, patay ang 18-anyos na lalaki sa Barangay Naligusan, Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktima sa pangalang Bryan Etac Gaira, Grade 12, residente rin ng nabanggit na lugar.

Natagpuang patay at nakabigti sa loob ng bahay ang biktima bandang alas singko na ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Pulisya lumalabas na bago ang pagbigti,nag-usap pa raw sila ng kanyang tatay at lola tungkol sa tuition nito.

Mukhang nagtampo raw ito at na misinterpret ang sinabi ng ama.

Pagkatapos ay sinabi raw ng biktima na wag ng dagdagan ang kanyang problema, dahil marami na raw itong pinuproblema.

Pagkatapos raw na mapaliwangan ay naging maayos naman ang pagtanggap nito.

Pagkatapos ay naiwan sa bahay ang biktima dahil may pinuntahan ang lola at tatay nito.

Pagbalik ng lola, nakabigti na ang biktima.##

- Archie Hilario, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment