Friday, August 17, 2018

AKLANON INTERNATIONAL DANCER PINURI NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Isang Aklanon ang pinapurian ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan dahil sa kahusayan sa pagsayaw sa mga internasyonal na kompetisyon.

Si Mr. Sergio Machon Jr. ng Calangcang, Makato ay humakot na ng mga parangal sa mga internasyonal na patimpalak sa larangan ng dance sports.

Matagumpay rin niyang naipasa ang prestihiyosong International Dance Teachers Association (IDTA) examination. Ang IDTA ay isang international association ng mga professional dance teacher sa Great Britain.

Kamakailan lang ay nag-champion rin siya sa Kluang Dance Championship sa Malaysia at Latin Championship sa Singapore.

Iginawad ng Sanggunian ang resolusyon ng komendasyon sa kanya nito lang Lunes sa gitna ng kanilang regular session. Ito ay inakdaan ni SP member Jay Tejada.

Malugod niya itong tinanggap ng may pasasalamat. Umaasa siya na magsilbi itong inspirasyon sa lahat lalo na sa mga Aklanon.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment