Monday, September 04, 2017

MOTOR BUMANGGA SA TRICYCLE SA BAYAN NG NUMANCIA, ISA PATAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay ang isang 45 anyos na lalaki nang bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isang tricycle sa bayan ng Numancia.

Kinilala ang biktima na si Freddie Apolinario y Narce, 45 anyos, residente ng brgy. Tinigaw, Kalibo.

Naganap ang insidente Biyernes pasado alas-10:00 ng gabi sa kahabaan ng national highway sa brgy. Laguinbanwa West.

Sa report ng pulisya, bumangga umano ang motorsiklo sa sinusundan nitong tricycl dahilan para tumilapon ang driver nito at nauntog sa bubong ng tricycle.

Parehong patungong Kalibo ang motor at ang tricycle na menamaneho ni John Rey Regotea, 24, residente rin ng brgy. Tinigaw.

Nawalan naman ng kontrol ang driver ng tricycle bagay na natumba ang sinasakyan.

Dinala pa ng rescue ambulance ng PDRRMO sa provincial hospital ang driver ng motor pero dineklara itong dead on arrival.

Maswerte namang walang gaanong sugat ang driver ng tricycle at wala ring dalang pasahero.

Ayon kay PO3 Eric Lachica, chief investigator, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang motorista at mabilis ang patakbo.

Samantala, matapos mapag-usapan ay napagkasunduan ng pamilya ng namatay at driver ng tricycle na i-settle ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment