Monday, August 13, 2018

LALAKI SA BALETE PATAY MATAPOS BUMANGGA ANG MOTORSIKLO SA PADER

Patay ang isang lalaki sa bayan ng Balete matapos bumangga sa pader ang minamaneho niyang motorsiklo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang biktima na si Judy Gumban y Villanueva, 51-anyos, residente ng Brgy. Feliciano sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng kalsada sa nasabing barangay nang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo.

Bumangga sa pader ang biktima at tumilapon sa kalsada. Nagtamo umano ito ng malubhang sugat sa ulo.

Mabilis na isinugod ng rumespondeng kapulisan ang biktima sa Aklan provincial hospital pero di na umano ito umabot pa ng buhay sa ospital.

Nabatid na na nakainom ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay nitong gabi ng Sabado nang maganap ang aksidente. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment