Monday, August 13, 2018

LALAKI NA BUMUNOT NG BARIL SA ISANG SAYAWAN SA TANGALAN, ARESTADO

Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki sa bayan ng Tangalan madaling araw ng Lunes matapos bumunot ng baril sa sayawan sa Brgy. Jawili.

Kinilala ang suspek na si Victoriano Trance y Villanueva, 61-anyos, residente ng Brgy. Panayakan sa parehong bayan.

Nasabat naman ng otoridad mula sa kanyang pangangalaga ang isang 38 revolver na may lamang limang bala at 11 iba pa na nakalagay sa catridge holder.

Ayon sa report ng Tangalan PNP, may naganap umano na komosyon sa labas ng sayawan sa Brgy. Jawili covered court nang bumunot ito ng baril.

Ang suspek ay agad hinuli ng kapulisan na nakabantay sa lugar at pansamantalang ikinulong sa Tangalan PNP Station.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o "Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act."##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment