Saturday, August 18, 2018

16-ANYOS NA DALAGA NAGBIGTI PATAY SA ALTAVAS

Isang dalagita ang naabutan ng pamilya na nakabigti at wala nang buhay sa Brgy. Talon, Altavas ngayong araw ng Sabado.

Kinilala sa report ng Altavas PNP ang biktima na si Jahaziel Donguines Catalan, 16-anyos, residente ng nasabing lugar.

Nabatid na nakabigti na sa loob ng kanilang kubo ang Grade 11 student gamit ang nylon rope nang matagpuan ito ng pamilya.

Ang pamilya rin ang nag-alis sa dalaga sa pagkakabigti.

Ayon sa miyembro ng pamilya, posibleng problema sa pag-aaral at hindi sa pag-ibig ang rason ng kanyang pagpapakamatay.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment