Monday, September 04, 2017

WANTED SA BAYAN NG KALIBO SA KASONG HOMICIDE NAARESTO SA ILOILO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado sa Manduriao, Iloilo City ang isang 35-anyos na lalaki na wanted sa bayan ng Kalibo matapos ang mahigit sampung taong pagtatago.

Kinilala ang akusado na si Arc Ruiz y Laurente, 35 anyos, residente ng brgy. Bakhaw Norte, Kalibo.

Ang lalaki ay naaresto ng mga kapulisan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong three counts of homicide.

Ang warrant ay nilabas ng Regional Trial Court sa Kalibo noon pang Setyembre 2006 at may tig-Php40,000 itinakdang pyansa sa bawat kaso.

Ikinasa ang operasyong ito ng pinagsamang pwersa ng Iloilo City police station 5 at ng Kalibo PNP hapon ng Sabado sa Megaworld, brgy. Buhang Taft North.

No comments:

Post a Comment