Tuesday, September 05, 2017

MISIS HINAHANAP NI MISTER DAHIL HINDI NA NAKAUWI SA BAHAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Hinahanap ngayon ni mister ang kanyang 28-anyos na misis matapos ilang araw nang hindi nakauwi sa kanilang bahay.

Ang babae ay kinilalang si Joena May Estomata-Fernandez, tubong Brgy. Subra-subra, Pandan, Antique.

Ayon sa asawang si NiƱo Jeyssie Fernandez, 31, residente ng brgy. Camanci Norte, umalis umano ng bahay ang asawang babae noon pang August 18.

Paalam umano ng asawa na uuwi lang sa Pandan para sa bisitahin ang kanyang lola na sa ilalim ng medikasyon.

Simula umano nito ay hindi na sumasagot sa text at tawag ang babae sa kanyang mister. Binisitahan rin umano niya ito sa kanilang bahay sa Pandan pero wala ito roon.

Ayon sa lalaki, noong Agosto 20 nagpaalam umano ang babae sa kanyang lola na pupuntang Iloilo para kunin ang mga naiwang gamit sa dati niyang trabaho.

Nabatis na mahigit isang taon palang na kasado ang mag-asawa at wala pang anak. 

Aminado ang mister na may mga hindi sila pagkakaintidihan at may 'trouble' sa kanilang relasyon.

Nanawagan siya sa kanyang misis na bumalik na ito o magcommunicate manlang sa kanya.

Nakablotter ito sa Numancia PNP at naka-flash alarm narin sa mga iba pang police station sa probinsiya at mga karatig lugar.

No comments:

Post a Comment