Thursday, September 07, 2017

NAWAWALANG BABOY SA SLAUGHTER HOUSE NG KALIBO PINAIIMBESTIGAHAN

Ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinaiimbestigahan ni Mr. Abel Policarpio, officer in charge ng Kalibo slaughter house, ang ulat na may nawawalang baboy sa loob ng kanilang slaughter house.

Sa report ng isang negosyante sa Kalibo PNP, dinala nila ang mga baboy para ipakatay sa slaughter house. 

Kinabukasan nagsagawa umano ng inventory ang negosyante ngunit napag-alaman na nawawala ang isang baboy na may bigat na mahigit 80 kilo.

Sa panayam kay Policarpio maaari umanong nagkaroon lamang ng problema sa pagmarka sa nasabing baboy . 

Nang malaman ni Policarpio ang problema agad nitong inimbestigahan ang mga nakaduty na empleyado at gwardiya. 

Lumabas sa imbestigasyon na may isang pang baboy na sobra sa listahan. Maaari anya na ito ang isa sa mga nawawala na iniulat ng negosyante. 

Susuriin pa raw ito ng pamunuan para masiguro kung ito nga ang baboy na hinahanap nila.

No comments:

Post a Comment