Friday, September 01, 2017

PHP75K HALAGA NG PERA ISINAULI NG DALAWANG TAPAT NA MGA AKLANON

"Indi pagbueon do bukon it imo (Huwag kunin ang hindi sayo)".

Ito ang pumasok sa isipan ng dalawang Aklanon na ito matapos makakita at makapulot ng nasa Php75 libo halaga ng pera sa kalsada sa Kalibo.

Ang perang ito ay isinauli nina Darlyn Lachica, 27 anyos ng J. Magno st., Poblacion, Kalibo at Mark NiƱo Retiro, 24 anyos ng brgy. Andagao, Kalibo at pawang nagtratrabaho sa Aguila's Garment sa Kalibo Shopping Center.

Napulot umano nila ang mga bundle ng perang ito sa M. Lacerna st., Kalibo na katunayan ay nagkalat na ang mga ito.

Pinagpupulot umano nila ito at kalaunan ay inireport at ibinalik ito sa Kalibo Police Station.

Photo (c) SPO4 Reynaldo Macario
/ Kalibo PNP
Una rito ay nagparekord na sa tanggapan ng pulisya ang may-ari na si Teresita Rose ng brgy. Fulgencio, Balete.

Salaysay ni Teresita, ididiposito na sana niya ang nasabing pera sa bangko nang mapag-alamang bukas na ang dala niyang bag at nawawala ang Php80 libong pera na nahulog umano sa tricycle.

Pawang may pamilya ang dalawa at una umanong pumasok sa kanilang isip na huwag kunin ang hindi kanila at isauli agad ang nakita.

Sa inyo Darlyn at Mark saludo kami dito sa Energy FM Kalibo!

No comments:

Post a Comment