Photo (c) Malinao PNP |
Hinuli ng Malinao PNP ang dalawang lalaki dahil sa iligal na pagputol ng mga kahoy.
Nagtangka pang tumakas sa checkpoint ng pukisya sa boundary ng brgy. Bigaa at brgy. Poblacion, Malinao ang dalawa sakay ng motorsiklo.
Kinilala ang mga suspek na sina Casiano Tacud, 30-anyos, driver ng motor at ang Arnold De Quiroz, 18, pawang mga residente ng brgy. Osman sa nasabing bayan.
Ayon sa report ng Malinao PNP, nahuli ang mga suspek sa brgy. Sta Cruz Bigaa, Lezo sa isang hot pursuit operation.
Nasabat ng mga awtoridad ang kanilang motorsiklo at anim na nilagaring kahoy na may kabuuang 121.33 board feet.
Pansamantalang nasa kostudiya ngayon ng Malinao PNP ang mga suspek kasama ang mga narekober.
Posibleng maharap sa kasong paglabag sa section 68, Presidential Decree 705 ang dalawa o Revised Forestry Code of the Philippines.
Nakatakda itong dalhin sa DENR-PENRO para sa kaukulang disposisyon.
Naganap ang insidenteng ito kahapon ng madaling araw.
No comments:
Post a Comment