Monday, September 04, 2017

LALAKI INARESTO MATAPOS IREKLAMO NG PANINILIP SA 28-ANYOS NA BABAE

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang lalaking ito matapos ireklamo ng paninilip sa ka-boardmate na 28-anyos na babae.

Kinilala ang suspek sa pangalang Marvin Nadayao, 28-anyos, construction worker na taga brgy. Tabon, Batan.

Kwento ng biktima, nakahubad siya habang naliligo sa loob ng banyo nang mapansin ang naninilip na suspek na nakanganga pa raw.

 Agad itong humingi ng tulong sa mga kasama na nagresulta bagay na nanireporrt sa kapulisan at naaresto ang suspek.

No comments:

Post a Comment