Friday, September 08, 2017

LALAKI NATAGPUANG PATAY SA ILOG SA BAYAN NG NUMANCIA

Ulat ni Archie Hilario / Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Natagpuang patay na ang lalaking ito ngayong umaga sa ilalim ng tulay ng Navitas sa Numancia. 

Kinilala ang biktima sa pangalang Arestides Magnabijon Jr., residente ng Brgy. Libang, Makato.

Nagpaalam raw sa misis ang biktima na mananalaba ito sa Numancia kahapon pa ng umaga. 

Hindi ito nakauwi at inakala lang ng misis na nakitulog lang ito sa mga kakilala.

May sakit umano ang biktima na posibleng naging dahilan ng pagkalunod.

Sa imbestigasyon ng SOCO wala namang nakitang indikasyon na may foul play at pininiwalaang pagkalunod lamang ang ikinamatay ng biktima.

No comments:

Post a Comment