Tuesday, September 05, 2017

2 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO SA LINABUAN NORTE, KALIBO

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay na nang isugod sa ospital ang driver ng motorsiklong ito matapos bumangga sa poste ng kuryente sa brgy. Linabuan Norte, Kalibo alas-12:15 ng madaling araw. 

Kinilala ang biktima sa pangalang Jovy Francisco Ili, 20-anyos, taga-Janlud, Libacao.

Naisugod pa sa Provincial Hospital ang driver pero ideneklarang patay .

Samantala isinugod naman ang back rider nito sa Panay Health Care pero binawian din ng buhay. 
Kinilala ang biktima sa pangalang Maryniel Ili Zausa,19, taga-Julita, Libacao. 

Sa imbestigasyon ng PNP, pauwi raw sa Libacao ang mga biktima, pagdating sa Linabuan Norte nag-over-take daw ang dalawa sa isa pang motorsiklo.

 Nawalan ito ng kontrol hanggang sa nagtuloy-tuloy at bumangga sa isang poste. 

Nagtamo ng malalaking sugat sa ulo ang mga biktima na naging dahilan ng pagkamatay.

No comments:

Post a Comment