Thursday, September 07, 2017

PUBLIC CONSULTATION SA KALIBO ISASAGAWA KAUGNAY NG ISINUSULONG NA TAX ORDINANCE NG PROBINSIYA

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Magsasagawa ng public consultation ang Sangguniang Bayan kaugnay ng isinusulong na tax ordinance ng probinsiya sa mga real property.

Ito ay napagkasunduan ng Sanggunian sa kanilang regular session ngayong araw.

Ayon kay SB member Cynthia Dela Cruz, nais nilang i-presenta sa publiko ang mas mababang schedule of market value sa mga real properties base sa revision ng municipal assessor. 

Napagkasunduan sa Sanggunian na isasagawa ang konsultasyon sa darating na Setyembre 12, Martes, alas-2:00 ng hapon sa 3rd floor ng munisipyo.

Iimbitahan sa konsultasyon ang mga real property owners. Ang municipal assessor ay magprepresenta ng proposed revision na mas mababa kumpara sa nauna na siyang nailathala sa national newspaper.

Ipapaliwanag rin ng tresorero sa konsultasyon kung saan napupunta ang buwis na ibinabayad ng taumbayan.

Ang panukalang ito ay sumailalim na sa pampublikong pagdinig sa Sangguniang Panlalawigan. Nagtakda ang SP ng sampung araw sa nais maghain ng kanilang position paper kaugnay sa naturang panukala.

No comments:

Post a Comment