Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay ang isang 24-anyos na
lalaki makaraang pagtripan umanong barilin sa Purok 2, C. Laserna St., Kalibo.
Ayon sa biktimang si Rowil Dela Cruz, natutulog umano siya
sa tricycle nang maganap ang aksidente dakong alas-5:00 ng umaga.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, iginiit ng biktima na wala
siyang nakaalitan na posibleng gumawa nito sa kanya.
Nagising nalang umano siya na may sugat na sa kamay. Agad
naman siyang humingi ng tulong para madala at magamot sa ospital.
Butas din ang tangke ng motorsiklo na hinihigaan niya
matapos matamaan rin ng parehong bala.
Sa pagtatanong sa mga kapitbahay hindi umano nila nakilala
ang suspek naggulat nalang sila nang makarinig na ng pagputok.
Narekober ng kapulisan ang isang basiyo ng .38 calibre ng
baril sa lugar.
Inaalam na ng pulisya ang posibleng motibo at pagkakakilalan
ng suspek.
No comments:
Post a Comment