Sapat ang suplay ng bigas sa lalawigan ng Aklan. Ito ang
pinasiguro ng National Food Authority (NFA) - Aklan.
Sa isang panayam sinabi ni NFA-Aklan Josephine Venus
Castillo, na ang Aklan ay isang “rice-surplus” na probinsiya.
Nilinaw rin ni Castillo na ang papel lamang ng NFA sa
bilihan ng palay ay ang pag-monitor sa presyo nito pero hindi nila pwedeng
pigilan ang mga magsasaka na magbenta ng palay sa
mga pribadong negosyante.
Sa pinakuhuling report, mayroong mahigit 14,400 mga sako ng
bigas ang nakaimbak sa kanilang bodega.
Sinabi rin na Castillo na sa panahon ng kalamidad ay pwede
naman anyang makahingi ng suplay ng bigas sa NFA-Capiz kung sakaling kulangin
ang suplay dito sa Aklan.
No comments:
Post a Comment