Itinanghal kahapon ng walong bayan sa Aklan ang
kani-kanilang makukulay at magagandang pyesta bilang bahagi ng 61st
Aklan Day.
Ang mga nagtanghal ay ang mga bayan ng Numancia, Kalibo,
Lezo, Ibajay, Banga, Balete, Makato at Tangalan para sa Aklan Festivals Showcase on April 24.
Nakamit ng Enchanting Balete ang Best in Choreography, at
Ibajay Ati-Ati festival para Most Jolly at Best Performance.
Nakuha ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan festival ang Best in
Costume and Props samantalang ang Makato Ati-atihan festival ay nakapag-uwi
naman ng Most Indigenous award.
Lahat ng nanalo ay nag-uwi ng tig-Php5,000 para sa mga
nasabing parangal.
Ang Aklan Festival showcase ay ‘battleground of local
festivals’ na inorganisa ng pamahalaang lokal ng probinisya sa pamamagitan ng
tourism office.
Ang iba pang lumahok ay Banga Saguibin Festival, Lezo
Bayangan festival, Numancia Lechon Parade at Bugna it Tangalan festival.
No comments:
Post a Comment