ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo by Darwin Tapayan |
Hindi na maiinitan at mauulanan ang mga manlalaro sa
basketball court ng Pastrana Park. Nakatakdang kasing itayo ang Php5 milyon na
covered court dito.
Ang ground breaking ng proyektong ito ay isasagawa sa
Byernes, 9:00 ng umaga.
Layunin ng proyektong ito sa pangunguna ni konsehal Juris
Sucro ang palakasin ang sports program sa bayan ng Kalibo.
Nabatid na naging posible ang proyekto sa pagtutulungan ng
lokal na pamahalaan ng Kalibo, ni congressman Carlito Marquez, at senador Risa
Hontiveros at Akbayan partylist.
Una nang naireport na isinusulong ngayon ng pamahalaang
lokal ng Kalibo ang pagpapaganda pa sa nasabing parke upang gawing tourism
destination.
No comments:
Post a Comment