Nasa 200 mga delgegado na dadalo sa 29th Ship for
Southeast Asian and Japanese Youth Programme (SSEAYP) International General
Assembly (SIGA) 2017 ang inaasahang magsasaya sa LaBoracay.
Sinabi ni Boracay Island administrator Rowen Aguirre, nakikipag-ugnayan
na sa Philippine National Police ang lokal na pamahalaan ng Malay sa paghahanda
sa seguridad ng mga delegado sa Boracay.
Layun ng 29th SSEAYP ang pagkaisahin ang lahat ng
mga kabataang lider ng ASEAN.
Gaganapin ito sa darating na Abril 28-30.
Ang LaBoracay ay isa sa mga highlight ng fiesta sa Boracay
na isinasagawa tuwing Mayo 1 o Labor Day. (PNA)
No comments:
Post a Comment