ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo by Archie Hilario |
Pinagkagulahan ng mga tao sa Kalibo Public Market ang isang
dambuhalang isdang ‘lapu-lapu’ kahapon ng tanghali para ibenta.
Nahuli ang nasabing isda sa baybayin ng Pandan, Antique ng mangingisda
si Arnold Constantino sa pamamgitan ng netting dakong alas-6:00 ng umaga.
Ang isdang ito na may bigat na nasa 200 kilo at may habang
pitong talampakan ay isa umanong malaking lapu-lapu o epinephelus lanceolatus o
kugtong sa lokal na dialekto.
Tinatayang nagkakahalaga ng Php80 ang kilo ng nasabing isda
sa palengke at karaniwang sinisigang ng mga taga-rito.
Ang isdang ito ay itinuturing na ‘vulnerable species’ ng
Internation Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List Status.
Nangangahulugan na kailangang maprotektahan at mapangalagaan ang mga nasabing
species.
No comments:
Post a Comment