ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Caticlan Jetty Port |
Nakatakdang busisiin ng mga miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan ang umiiral na ‘one entry, one exit policy sa isla ng
Boracay’.
Ipinaabot ni SP member Jose Miguel Miraflores sa regular session
na hindi gaanong naipapatupad ang seguridad sa Boracay nang siya mismo ang
makaranas nito sa kanyang pagbisita sa isla.
Ayon kay SP Miraflores, nagtaka siya na hindi manlang
binusisi ng guwardiya ang kanyang mga bagahe at maging ng iba pang mga dumaraan
sa isang pribadong resort sa may Caticlan jetty port patawid sa Boracay.
Kaugnay rito, nais ni SP member Jay Tejada na balikan ng
Sanggunian ang umiiral na ‘one entry, one exit policy’ upang malaman kung ito
ba ay naipapatupad ng tama.
Sang-ayon naman si SP member at committee chair on peace and
order Nemesio Neron sa naging mungkahi ni Tejada. Posible umanong ipatawag sa
pagdinig ng komitiba ang pamunuan ng Caticlan jetty port kaugnay sa nasabing
isyu.
No comments:
Post a Comment