ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Nakatakdang ibigay ng Department of Health (DOH) regional office
VI ang allocation funding assistance na Php350,000 para sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Victor Santamaria, provincial health officer, ito ay
subsidiya sa blood processing fess sa mga indigent na kababaehang buntis at para
sa iba pang aktibidad ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP).
Kaugnay rito, aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang
kahilingan ng gobernador na sumailalim sa memorandum of agreement sa pagitan ng
lokal na pamahalaan ng Aklan at ng DOH VI.
Nakikita ng DOH na ang pagbibigay ng subsidiya para sa mga
indigent na kababaehang buntis ay isang paraan para mabawasan ang maternal
death na dulot ng postparthum haemorrhage o pagbawas ng dugo.
Layunin ng NVBSP ang mapalawak pa ang donasyon ng dugo,
maayos na blood service facilities, sapat at agarang suplay ng dugo sa mga probinsiya.
No comments:
Post a Comment