Sumailalim na sa cremation ang labi ng namayapang si Atty. Allen Salas Quimpo kahapon ng hapon.
Matapos ang cremation ay inilagak sa Christ the King Parish sa Quezon City ang mga abo ng namayapang dating kongresista ng Aklan at mananatili dito hanggang bukas, Disyembre 16.
Nakatakda namang iuwi dito sa Kalibo, Aklan ang mga abo ni Atty. Quimpo sa Disymebre 17, araw ng Sabado.
Matatandaang binawian ng buhay ang dating kongresista kahapon, Disyembre 14, bandang alas-2:00 ng madaling araw habang nasa isang ospital sa Metro Manila sa edad na 71-anyos dahil sa pancreatic cancer.
Naulila nito ang kanyang asawa, limang anak, mga apo at mga kapatid.
Si Atty. Quimpo ay dating naglingkod bilang presidente ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) at nagsulong upang mabuo ang Aklan State University.
Siya rin ay naging alkalde ng Kalibo noong 1990 at naging kongresista noong 1992 hanggang 2001, at isa sa mga nagtatag ng political party na TIBYOG Aklan.
Nagsilbi din ito bilang dating chairman ng Kalibo Save the Mangrove Association (KASAMA).
No comments:
Post a Comment