ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Bilang pagpapakita ng simpatiya at pagmamahal sa yumaong presidente ng Northwestern Visayan Colleges na si Dr. Allen S. Quimpo, nakatakdang magsagawa ng ilang mga aktibidad ang mga estudyante, faculty and staff ng paaralan.
Sa inilabas na memorandum sa pamamagitan ni NVC Vice President for Academic Affairs Dr. Reinalda Magdaluyo, magkakaroon sila ng misa sa NVC RSQ quadrangle dakong alas-8:00 ng umaga bukas, araw ng Sabado. Susundan ito ng maiksing necrological service na pangungunahan ng Supreme Student Council.
Samantala, banda alas-5:30 ng hapon sa parehong araw ay nakatakdang dumating ang labi ni Dr. Quimpo sa Kalibo International Airport na sasalubungin naman ng mga empleyado ng eskuwelahan. Dadalhin sa kanilang heritage house sa Pastrana St., Poblacion, Kalibo sa pamamagitan ng motorcade at doon siya ibuburol.
Sa Lunes ay magsasagawa rin ng misa sa kanilang heritage house na pangangasiwaan ng College of Criminal Justice Education.
Nakatakda siyang ilibing sa Disyembre 20.
Si Dr. Quimpo, ay pumanaw sa edad na 71 anyos sa isang hospital sa Manila habang ginagamot sa stage 4 pancreatic cancer. Si Quimpo ay naglingkod bilang kongresista ng Aklan at alkalde ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment