Friday, December 16, 2016

PANLILIMOS SA ISLA NG BORACAY IPINAGBABAWAL NA

photo (c) Boracay Stories

Ipagbabawal na ngayon ang panlilimos sa bantog na Isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Sa isang panayam kay Malay social welfare officer Gemma Santerva, sinabi niya na ang pangangalimos sa isla ay “eye sore” sa mga turista dito.

Ang Malay Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO)ay nakikipagtulungan na sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang ipatupad ang no-begging policy sa isla.

Hinikayat naman ni Santerva ang mga turista na magreport agad sa Boracay PNP kapag nakaengkwentro sila ng mga nanlilimos sa isla. Humiling rin ito sa mga turista na daragsa ngayong kapaskuhan na huwag pagbigyan ang mga nanghihingi ng limos sa tabing-baybayin ng Boracay.

Nabatid na ang mga Ati at Badiao ay naging sentro ng mga reklamo sa isla dahil sa panlilimos at panghihingi ng mga pagkain sa mga turista, mga commuters at mga establisyemento. Maliban dito ay nirereklamo rin ang kanilang paglalasing at pagtulog sa mga kalsada o lansangan.

No comments:

Post a Comment