Showing posts with label Carnapping. Show all posts
Showing posts with label Carnapping. Show all posts

Friday, October 05, 2018

KARGADOR ARESTADO SA PAGNANAKAW NG MOTORSIKLO SA KALIBO

ARESTADO ANG lalaking ito sa pagnanakaw ng motorsiko sa Brgy. Andagao, Kalibo gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Arman Tambong, 28-anyos, tubo sa bayan ng Balete at residente ng Brgy. Andagao, Kalibo, kargador sa Kalibo Public Market.

Nabatid na ang motorsiklo na pagmamay-ari pala ng isang bombero ay ninakaw ng suspek sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Ayon kay PO2 Erick John De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP na nakilala nila ang suspek makaraang maaktuhan sa kuha ng CCTV ng kapitbahay.

Agad nagsagawa ng operasyon ang kapulisan at naaresto ang suspek at narekober ang motorsiklo.

Sinabi ng suspek na napagkamalan lamang niya na kanya ang nasabing motorsiklo dahil lasing siya.

Nakakulong na sa Kalibo PNP station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong carnapping.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Friday, September 22, 2017

KOTSE NG ABOGADO, NINAKAW SA BAYAN NG KALIBO

Isang Honda City 2016 ang pinaniniwalaang ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek sa brgy. Old Buswang, Kalibo Miyerkules ng umaga.

Ang kotseng ito ay pagmamay-ari ng abogado na si Atty. Jerome Padios, 53-anyos at residente ng Iloilo City.

Ayon sa biktima, nakagarahe umano ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang residensya sa brgy. Old Buswang nang mawala ito.

Kalaunan, sa pag-imbestiga ng mga kapulisan at sa tulong ng taga-MDRRMO Kalibo, naispotan sa kuha ng CCTV ang sasakyan sa kahabaan ng Jaime Cardinal Sin Avenue patungong bayan ng New Washington na direksyon.

Paniwala ng may-ari posibleng nahack o nagaya ang susi ng kanyang sasakyan. Wala umanong Global Positioning System o GPS ang kanyang kotse.

Umaasa naman ang abogado na marerekober ang ninakaw na sasakyan. Handa umano siyang magsampa ng kaso sa mga suspek maging sa driver o sakay ng pinaniniwalaan niyang convoy na sasakyan na naispotan sa CCTV.

Iniimbestigahan na ng taga-highway patrol group ang nasabing insidente.