Wednesday, June 05, 2019

Php3.6 million halaga ng bus ido-donate ng isang bus company sa Aklan


NAKATAKDANG MAGDONATE ang Vallacar Transit Inc. ng isang unit ng bus sa pamahalaang lokal ng Aklan. Nagkakahalaga umano ito ng Php3.6 million.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Lunes ang kahilingan ni Gov. Florencio Miraflores na pumasok sa Deed of Donation para rito.

Hindi naman napag-usapan sa regular session ng Sanggunian kung ano ang paggagamitan ng bus kapag natanggap na ito ng probinsiya.

Ang Vallacar Transit Inc., sa Bacolod City ang nagmamay-ari ng mga Ceres bus na bumibiyahe sa probinsiya ng Aklan.

Ang donasyon ay simbolo umano ng pagpapasalamat ng kompanya sa probinsiya.

Mababatid na una nang nagbigay ng isang unit ng bus ang nasabing kompanya sa pamahalaang lokal ng Kalibo Enero nitong taon.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment