Monday, June 03, 2019

25-anyo na babae hinold-up sa Numancia; bag at cellphone natangay

Numancia PNP Station / Kas Darwin Tapayan photo
ISANG BABAE ang hinold-up sa Brgy. Bubog, Numancia kagabi habang naglalakad sa madilim na bahagi ng kalye.

Salaysay 25-anyos na biktima sa Numancia PNP, hinintuan umano siya ng isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki.

Pawang nakasuot umano ng helmet ang dalawa. Isa umano rito ang bumaba at lumapit sa kanya at tinutukan siya ng kutsilyo sabay hablot sa kanyang bag at cellphone.

Mabilis umanong sumakay ng motorsiklo ang lalaki at umalis sa lugar.

Laman ng kanyang bag ang pera, ATM card, at iba pang mga dokumento.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP sa insidente para matukoy ang mga suspek at madakip ang mga ito.

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment