Friday, June 01, 2018

BULALACAO, BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG KAPULISAN SA WESTERN VISAYAS

PCSupt Bulalacao
(BREAKING) Epektibo ngayong araw, June 1, itinalaga bilang bagong hepe ng kapulisan sa Western Visayas ang dating tagapagsalita ng Philippine National Police na si Chief Supt. John Bulalacao.

Pinalitan ni Bulalacao sa Region 6 si P/CSupt. Cesar Binag na itinalaga bilang bagong pinuno ng Directorate for Information and Communication Technology Management ng PNP.

Bahagi ito ng balasahan sa Philippine National Police (PNP) para sa mga pangunahing posisyon sa pambansang pulisya batay sa kautusan ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Ang ilan pang apektado ng balasahan ang mga sumusunod na opisyal:

-Si P/Dir. Federico Dulay Jr., na inalis sa Civil Security Group (CSG) para ilipat sa Office of the Chief PNP.
-Si P/Dir. Camilo Cascolan ay inalis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) inilipat sa CSG.
-Si P/CSupt. Guillermo Eleazar ay inalis sa PRO CALBARZON at ipinalit bilang hepe ng NCRPO.
-Si P/CSupt. Edward Carranza naman ay inalis na sa PRO Cordillera at ipinalit kay Eleazar sa PRO CALABARZON.
-Si P/CSupt. Rolando Nana inalis din sa NCRPO para dalhin sa PRO Cordillera.
-At si P/CSupt. Rolando Anduyan naman ng PRO ARMM ay inilipat sa NCRPO.

No comments:

Post a Comment