Showing posts with label Illegal Gambling. Show all posts
Showing posts with label Illegal Gambling. Show all posts

Tuesday, January 01, 2019

2 lalaki arestado sa Bagong Taon dahil sa iligal na pagsasabong sa Kalibo


INARESTO NG kapulisan ang dalawang lalaki makaraang maabutang iligal na nagsasabong sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo araw ng Martes, Bagong Taon.

Kinilala ang mga suspek na sina Rugen Isuga, 63-anyos, residente ng nabanggit na barangay; at Salvador Nagales, 58, residente ng Brgy. Tingaw, Kalibo.

Nasabat sa kanila ng kapulisan ang dalawang panabong na manok at tatlong iba pa sa lugar makaraang magsitakas ang mga kasama nila.

Sinabi ng operatiba na mayroon nang "tari" ang dalawang manok at isasabak na sana sa sabong.

Ikinasa ng Anti-Illegal Gambling Special Operation Task Group ng Aklan Police Provincial Office ang naturang operasyon.

Pansamantalang ikinulong sa Kalibo Police Station ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong Illegal Cockfighting in Relation to Presidential Decree 449.##

Friday, October 05, 2018

DALAWANG LALAKI ARESTADO SA BALETE SA PAG-OOPERATE NG SAKLA SA ISANG LAMAY

not actual photo, from web
ARESTADO ANG dalawang lalaki sa Brgy. Aranas, Balete madaling araw ng Huwebes dahil sa operasyon ng sakla sa isang lamay doon.

Kinilala ang mga suspek na sina Auxil Fernandez, 35-anyos, ng Tigayon, Kalibo na siya umanong "bangka" at ang kanyang " kabidor" na si Harley Chris Bonifacio, 37, ng Linabuan Norte, Kalibo.

Ang operasyon ay ikinasa ng Anti Illegal Gambling Task Force at Balete PNP. Huli umano sa akto ang dalawa sa iligal na sugal.

Narekober ng mga otoridad ang pera na nasa Php1,910, tatlong set ng baraha, money box at isang improvised game board.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as Amended by Republic Act 9287 o Illegal Number Games.

Pansamantalang nakalaya ang dalawa makaraang makapiyansa ng Php18,000 bawat isa.##

Monday, July 30, 2018

APAT HINULI NG KAPULISAN SA NEW WASHINGTON DAHIL SA PAGLALARO NG POOL

Hinuli ng kapulisan ang apat na kalalakihan sa bayan ng New Washington kabilang na ang isang menor de edad dahil sa paglalaro ng Pinoy pool hapon ng Linggo.

Ayon kay PO1 Raul Reña, imbestigador, naaktuhan umano ng New Washington PNP ang apat na nagsusugal sa gilid ng kalsada sa Brgy. Puis.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jun Magno, 38-anyos, Arnold Salvador, 34, Lemuel Lorenzo, 19, at isang 17-anyos na menor de edad.

Nasabat sa kanila ang mga kagamitan sa larong pool at perang taya na Php741.00.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek maliban sa menor de edad. Nakalaya rin pansamantala ang tatlo matapos magpyansa sa halaga Php20,000 bawat-isa.

Mainit parin ngayon ang kampanya ng mga kapulisan sa iligal na sugal sa probinsiya. Mababatid na bumuo na ng Task Group ang Aklan PNP para matutukan at masawata ang iligalidad na ito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Thursday, July 12, 2018

TASK GROUP KONTRA ILIGAL NA SUGAL BINUO NG AKLAN PNP

file photo
Para matutukan ang pagsawata sa iligal na sugal sa Aklan isang task group ang binuo ni PNP Provincial Director PSSupt. Lope Manlapaz.

Inatasan niya si PCInsp. Ricky Bontogon para pangunahan ang Anti-Illegal Gambling Special Operation Task Group.

Nito lang Miyerkules isang operasyon ang ikinasa ng grupo sa Brgy. Naile, Ibajay na nagkaresulta sa pagkahuli ng isang babae na sangkot umano sa iligal na EZ2.

Kasama ng grupo sa operasyon ang Provincial Intelligence Branch (PIB), Public Safety Mobile Force Company, Highway Patrol Group at ang Ibajay PNP.

Samantala sa panayam kay PCInsp. Bernard Ufano, PIB Chief, limang bayan sa probinsiya ang may umiiral na ganitong uri ng sugal./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Sunday, June 10, 2018

8-KATAO ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL NA SUGAL SA BATAN, AKLAN

Arestado ang walong lalaki sa Brgy Magpag ong Batan Aklan dahil sa illegal na sugal. Kinilala ang mg suspek na sina:

1. Dexter Villaruel y Bonifacio, 40-anyos;
2. Iluminado Conde y Cos, 66;
3. Jenry Paclibare y Baladjay, 38;
4. Alexander Canonigo y Barasola, 57;
5. Andy Pelonio y Andrade, 34;
6. Alberto Sabino y Prado, 69;
7. Reygie Duro y Florentino, 33; at
8. Ryan Bautista y Teodosio, 31.

Sa pahayag ng Batan PNP nakatanggap sila ng text (sms) mula sa Concern citizen na may nagaganap na illegal na sugal sa lugar.

Rumesponde agad sa lugar ang PNP at huli sa akto na nagpupusoy at nagmamadjhong raw ang dalawang grupo.

Narecover ang bet money na P330.00 sa mga naaresto.

Nakakulong ngayon sa Batan PNP station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso. / Archie Hilario, EFM Kalibo

Wednesday, September 27, 2017

DALAWANG LALAKI ARESTADO SA BAYAN NG IBAJAY DAHIL SA ILIGAL NA OPERASYON NG EZ2

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang dalawang lalaki sa bayan ng Ibajay dahil sa iligal na operasyon ng EZ2 sa kanilang lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Herminio Espenosa, 66 anyos, at Jemar Alag, 18, parehpng residente ng brgy. Laguinbanwa sa nasabing bayan.

Ginawa ng mga tauhan ng Ibajay municipal police station ang pag-aresto dakong alas-7:00 ng gabi sa nasabing barangay.

Una rito tumaya ang isang tauhan ng pulis kay Alag ng Php50 marked money. Inaresto rin ang kasama niyang si Espenosa kung saan umano niya nireremet ang pera.

Nakakulong na ngayon sa Ibajay PNP station ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa anti-gambling law.

Thursday, August 03, 2017

40 ANYOS NA LALAKI ARESTADO DAHIL SA ILIGAL NA OPERASYON NG EZ2 SA BAYAN NG IBAJAY

Arestado ang isang 40 anyos na lalaki sa operasyon ng mga kapulisan laban sa illegal gambling sa brgy. Tul-ang, Ibajay kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Edito Italia, residente ng Aparicio, Ibajay.

Nakuha sa kanya ng mga awtoridad ang nasa Php21,000 kabilang na ang Php40 na marked money; papel o “koteho” na ginagamit sa pagpapataya.

Nakuha rin sa kanya ang kanyang motorsiklo at pitong live ammunition ng caliber 45.

Nabatid na ang lalaki ay iligal na nagpapataya ng EZ2 sa nasabing bayan dahil hindi ito konektado at otorisado ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ikinasa ang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Aklan Provincial Police Office Trackers Team at ng Ibajay PNP.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Ibajay PNP station at nakatakdang samapahan ng kasong illegal gambling at kasong paglabag sa Republic Act 10591.

APAT NA KALALAKIHAN ARESTADO SA PAGSUSUGAL SA TERMINAL SA KALIBO

Arestado ang apat na kalalakihan na naaktuhan ng mga tauhan ng Kalibo PNP na iligal na nagsusugal sa terminal ng Dumaguit-New Washington sa bayan ng Kalibo.

Ang apat ay naabutang naglalaro ng “Pusoy Bahig” at nagpupustahan dahil sa mga perang nakalatag sa gitna ng mesa kung saan sila naglalaro.

Kinilala ang mga naaresto na sina Buddy Bautista, 46 anyos; Praceler Barrera, 37; Robert Bautista, 43; at Govie Legaspi, 40 anyos, lahat mga residente ng bayan ng New Washinton.

Nakuha naman ng mga kapulisan sa kanila ang mga ginamit na mga baraha at taya na Php1,847.

Nakakulong ngayon sa Kalibo police station ang apat at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by Republic Act 9287 o illegal gambling.

Mainit ngayon ang kampanya ng mga kapulisan kontra sa iligal na sugal kasabay ng giyera kontra iligal na droga.

Monday, July 17, 2017

2 AKLANON NAARESTO SA LIBERTAD, ANTIQUE DAHIL SA ILIGAL NA PASUGALAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang dalawang Aklanon sa bayan ng Libertad sa lalawigan ng Antique dahil sa operasyon ng iligal na sugal sa brgy. Igcagay sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na report ng Libertad municipal police station, kinilala ang mga ito na sina Analiza Villanueva, 42-anyos ng Polo, New Washington at operator ng sugal, at Rogelio Militar, 46, ng brgy. Bulwang, Numancia at  isang bet collector.

Naaresto rin ng mga kapulisan ang kasama nila na kinilala naman sa pangalang Jessie  Andico, 23, residente ng Nauring, Pandan.

Narekober ng mga awtoridad ang isang set ng drop ball betting tables, tatlong drop balls o pingpong balls, isang unit ng drop ball stainless basket, tatlong color blocks, dalawang set ng color game betting tables, apat na green rectangular basket at isang pink rectangular basket at bet money na  Php290.

Sila ay nahuli ng mga awtoridad na nag-ooperate ng iligal na sugal at kumukolekta ng pera sa mga laro na kilala bilang drop ball at color game.

Ang mga naturang suspek ay pansamantalang ikinulong sa Libertad municipal police station at posibleng sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.