Nilipat na sa Tabon, Caticlan to Tambisaan, Manocmanoc sa Isla ng Boracay vice versa ang lahat ng biyahe ng mga bangka dahil sa malakas na alon sa Caticlan to Cagban area.
Ang pagbabagong ito ay simula pa Linggo ng hapon.
Napag-alaman Sabado ng gabi na isang bangka ang sumadasad at tumaob sa baybayin malapit sa Cagban. Wala namang naiulat na nasaktan sa 28 pasaherong sakay nito at tatlong crew.
Ayon kay Niven Maquirang, port administrator ng probinsiya, wala namang pagbabago sa oras ng byahe mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.
Pinasiguro naman ng Philippine Coastguard-Caticlan na hindi rin anya babaguhin ang seguridad na ipapatupad kagaya ng pagbeberipika ng ID ng mga gustong makapasok sa isla.
No comments:
Post a Comment