Wednesday, June 06, 2018

MGA PINAY SA HONGKONG KABILANG ANG DALAWANG AKLANON WAGI SA LARONG CRICKET

Wagi ang mga Pinay mula sa Visayas kabilang na ang dalawang Aklanon na pawang mga domestic helper sa katatapos lang na internasyonal na palaro sa larong cricket sa Hong Kong.

Sila ang DIVAS Cricket Philippines Team na pinangungunahan ni Josie Arimas, two times MVP mula Bacolod at dating player ng Palarong Pambansa.

Nakalaban nila ang Indian Team, Chinese Team at saka mixed race sa Hong Kong Development Cricket League na ginanap nito lang June 3 sa Po Kong Village Diamond Hill.

Sa eight games na laro, lahat panalo! Straight wins hanggang sa last game for championship. Ang coach nila ay sina Najeeb Amar at ang team manager naman ay si Animesh Kulkarni, mga Indian.

Ang team ay binubuo nina Jona Eguid (Bacolod), Cecil Calsas (Guimaras), Emelie Mabaquiao (Guimaras), Manelyn Dela Cruz (Panit-an, Capiz), Jennifer Alumbro (two times MVP mula Iloilo City), Cherry Octavio (Iloilo City), Ely Quimpo (Kalibo, Aklan) at Jackie Lou Torate (Makato, Aklan).

"Proud kami bilang aklanon kasi we gave honor sa country namin, although this kind of sport eh wala sa Pilipinas pero hindi kami nagpapahuli sa mga batikan na national players ng Hong Kong kasi mga beterano na po sila [kahit] kami palang [ay] kakaumpisa," pahayag ni Jackie Lou, isang Aklanon.

Ang cricket ay isang uri ng laro na ginagamitan ng bola at pamalo. Tanyag iton sa India, United Kingdom, Australia, New Zealand, at West Indies. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment