Natukoy na ng Department of Agrarian Reform o DAR ang unang batch ng agricultural land na pwedeng ng maipamahagi sa mga katutubong magsasaka sa isla ng Boracay matapos ang 90 araw.
Ayon kay Atty. David Erro, undersecretary ng DAR, sa ngayon aabot sa mahigit 26 hectare na agricultural land na pwede ng maipamahagi sa may 80 indibidwal na pawang mga katutubo.
Ito ay sa kabuuang 600 hectares na agriland na dineklara ni ating
pangulo at ngayon Congresswoman Gloria Arroyo sa isla ng Boracay.
Sinabi pa ni Erro na sa propose executive order na ipinasa ng DAR kay Pangulong Rodrigo Duterte, 1 kilometer mula sa aplaya ay pwedeng ideklara tourism spot para hindi pa rin mamatay ang turismo sa Boracay.
Pero ang lahat ng lalagpas na gusali dito ay ipapagiba ng DAR para maging kaaya-aya sa pagtatanim./ Radyo INQUIRER
No comments:
Post a Comment