screenshot by EFM Kalibo from Balita Tol FB |
Kinilala ang suspek na si Cesmar Tunogan. Damay rin ang bayaw ng mayora na si Rodel Flores na kasama ng nauna nang mangyari ang insidente.
Nakunan ito ng CCTV at naging viral sa social media.
Naganap umano ito nang hindi nagkaunawan ang suspek at biktimang si Arnold Sabando dahil sa pustahan sa game 1 ng NBA finals.
Nong Byernes na iyon ay agad umanong rumesponde ang mga kapulisan sa Brgy. Centro Este kung saan naganap ang insidente pero hindi naabutan ang mga suspek.
Kalaunan sa tulong ng alkalde ay pinagharap niya ang tatlo sa police station. Nais ng biktima na makipag-areglo nalang sa mga suspek.
Pero mismong ang mayora ang humikayat sa biktima na magsampa ng kaso laban sa mga suspek. Ipinasurender din niya sa mga suspek ang kanilang baril.
Ayon kay PSInsp Bryan Alamo, hepe ng Libertar PNP, isinurender na ni Tunogan ang kaniyang baril na isang Colt cal. 45.
Posible rin anyang maharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang supek dahil sa hindi lisensyadong baril.
Sa ngayon anya ay inihahanda na nila ang kasong grave threat laban sa dalawang suspek.
Nanindigan ang hepe na hindi nila itu-tolerate ang mga ganitong insidente kahit pamilya pa ng opisyal ang sankot. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment